top of page
Writer's pictureGary Bernardo

P3.2M pabuya sa Tipster sa planong pagpatay sa real estate developer


Camp Julian Olivas Pampanga-Tinatayang aabot sa P3.2 milyong pisong halaga ang pabuya sa sino mang makapagtuturo o"makapagbibigay ng tamang impormasyon sa mga awtoridad hinggil sa nabigong pagtumba sa isang prominenteng negosyante sa lalawigan ng Pampanga kamakailan.


Sa report kinilala ang biktimang si Jeffrey Dizon na kilalang real estate developer na nakatakda umano na magdagdag mula sa P3 milyon pabuya sa sinumang magturo o magsabi kung sino ang mastermind at tunay na motibo sa likod ng bigong pagpatay dito.


sa record ng pulisya nagsimula ang pananakot dito at pagbabanta sa kanyang pamilya ng mga hindi pa kilalang salarin noong Pebrero 29,taong kasakuyan.

Matapos ang bigong pagpatay agad naghain ng P3 milyon pabuya si Dizon at sinabi sa pulisya na ibibigay niya ang pabuya para malaman kung sino ang nasa likod ng planong pagtumba dito.


Batay sa kanyang affidavit sa pulisya nakatayo ito sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Pandan,Angeles City ng biglang barilin na posibleng nanggaling sa mataas na bahagi ngunit hindi ito tinamaan ng gunmen.


Sinabi nito na ang naturang banta ay patuloy na nagdudulot ng takot sa kanyang pamilya lalo na ang pagsapit ng gabi na halos hindi na sila makatulog dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nahuhuli ang salarin.


Dagdag pa ni Dizon matapos ang bigong pagpatay sa kanya ay sunod-sunod na ang mga natanggap niyang pananakot at nararamdaman nito at ng kanyang pamilya na may mga taong laging sumusunod sa kanila kahit saan sila magpunta.


Matapos dumulog at humingi ng tulong si Dizon kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Valeriano T. De Leon noong nakalipas na Nobyembre 21, 2020 ay nagtalaga ang huli ng isang team ng pulisya upang masiguro ang seguridad ng naturang negosyante kabilang ang kanyang pamilya.


202 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page