top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

Paghahain ng Warrant of Arrest ng PNP, Nauwi sa Engkwentro sa Brgy Balibago


Angeles City-Nauwi sa palitan ng putok ng baril ang paghain ng warrant of arrest ng mga kasapi ng pulisya sa isang top 7 sibat target person sa Sitio Hadrian,Brgy Balibago biyernes ng gabi. Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales,kinilala ang napatay na suspek na si Allan Partosa,nasa hustong gulang,residente sa Sto Nino sa nasabing barangay. Dakong 9:30 ng gabi nang makarating sa lugar ang mga arresting officer bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ng korte upang ihain sa suspek ngunit ng ito makahalata ay agad na pinutukan ng kanyang dalang baril,kayat napilitang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa agarang pagkamatay nito. Nasamsam sa pinangyarihan ng krimen ang isang Cal.38 baril na may kasamang bala at 3 small plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu.

723 views0 comments
bottom of page