top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

1 kilo ng marijuana nasamsam sa 2 teenager


Angeles City-Nasa humigit kumulang sa 1 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Police Station 4 sa dalawang hinihinalang ‘tulak’ sa ikinasang buy-bust operation sa Villa Santol Brgy. Balibago,biyernes ng gabi.


sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Aries Gebson Lapore,20 anyos,High Value Target sa tala ng pulisya,Rolando Alquiro,19,habang kinilala ang dalawang nakatakas na sina Angelo Agullon,at alias "Vlademir".


Nasamsam sa mga ito ang apat na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa selyadong plastic,na aabot sa halagang Php 120,000 ang street value,at perang ginamit bilang marked money.


Nakaditine ngayon ang dalawang suspek sa Police Station 4 Custodical Cell at nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Angeles City Prosecutor’s Office.


581 views0 comments
bottom of page