top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

1M Shabu nasamsam sa Buy bust Opn sa Brgy Pulungmaragul


Angeles City-Timbog ang dalawang hinihinalang drug peddler ng pinagsanib na puwersa ng tauhan ni City Police Director P/Col Joyce Patrick Sangalang sa pangunguna ng City Intelligence Unit,PS3,PS1,CMFC at ng ACPDEU ang tinatayang aabot sa may 1 milyong pisong shabu sa ikinasang buy bust operation sa Guiwa St., Sitio Airwolf, Brgy. Pulung Maragul biyernes ng gabi.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni City Intelligence Unit Commander P/Major Daryl Gonzales,kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Mercado,39,may asawa,bagong naninirahan na halos isang linggo pa lamang sa nasabing lugar na itinuturing na High Value Target ng pulisya at ang kasabwat nitong kinilalang si Abegail Arcanghel,29,residente naman sa Maharlika,Brgy Dau Checkpoint,Mabalacat City.


Nasamsam ang nasa humigit kumulang sa 175 gramo ng hinihinalang shabu na may street value Php 1,190,000.00 at perang ginamit bilang marked money.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.


461 views0 comments
bottom of page