Pampanga-Rehas na bakal ang sinapit ng anim na kalalakihan matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III,ang hinihinalang drug den sa Sitio Lahar Mabalacat City Kamakalawa ng madaling araw.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni PDEA3 Director Lyndon P Aspacio,kinilala ang mga suspek na sina Noel Ramos,39; Allan Patangui24; Rony Atok, 20; Renato Atok,65; Michael Atok,40;at Julius Fernando,34 mga residente sa nasabing lugar.
Nasamsam sa mga ito ang humigit kumulang sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value Php 102,000.00,assorted drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments