2 Drug Peddler Arestado sa Brgy Cutcut
- Gary Bernardo
- Oct 27, 2019
- 1 min read
Oct 27,2019

Angeles City-Dalawang hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng bawal na gamot ang naaresto sa isinagawang drug buybust operation ng Police Station 5 sa Barangay Cutcut kamakalawa ng hapon.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 5 P/Maj Rolando Doroja,kinilala ang mga suspek na sina Reynaldo Mercado, 37, at John Lloyd Miranda, 24,residente sa Barangay Cutcut.

Nasamsam sa mga ito 4 na small Plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operasyon.
Pormal ng kinasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.
Comments