ANGELES CITY—Sa Patuloy at Pinaigting na kampanya kontra Bawal na Gamot,Rehas na bakal ang sinapit ng dalawang hinihinalang Drug Peddler Matapos Magsagawa sa magkahiwalay na Drug Buybust Operation ang Police Station 2 sa Barangay Pampang at Barangay Amsic Huwebes ng Gabi.
Sa Ulat sa Tanggapan ni P/Major Fercel Deloria Police Station 2 Commander,kinilala ang mga suspek na sina Jojo Supan 30,Tricycle Driver Residente ng Brgy Amsic at Enrico Batac 42, Alyas "Henry Bakla"Residente sa Brgy Pampang.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 11 Plastic Heat Sealed Sachet ng shabu,at Dalawang Php 500 Peso Bill na Ginamit Bilang Marked Money.
Sinaksihan ng mga Representante Mula Sa Tanggapan ng Department Of Justice, Opisyal Sa Barangay at Media Buhat Sa Pilipino Star Ngayon, ang isinagawang pagmamarka at pag imbentaryo sa nakumpiskang shabu sa mga nasabing suspek.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 O'Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng 2 suspek.
Comments