ANGELES CITY—Swak Sa kulungan na sinasabing bigtime ‘tulak’ ng droga sa isinagawang Drug Buy Bust Operation Ng Pinagsanib na puwersa ng Police Station 3 at Criminal Investigation and Detection Team -CIDT at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Barangay Tabun Angeles City Martes ng Madaling Araw.
Sa Ulat sa Tanggapan ni P/Major Brownson B. Ollaging Police Station 3 Commander, kinilala ang mga suspek na sina Amer Mangray 30,Sadam Ali 25, residente sa nasabing Barangay.
Dakong alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ng mga otoridad ang Drug Buy Bust Operation Matapos na magpanggap ang isang pulis na poseur Buyer sa mga suspek.
Nasamsam mula sa mga suspek ang Tatlong Plastic Heat Sealed Sachet na nasa 50 gramo ng shabu,at Php 500 Peso Bill na Ginamit Bilang Marked Money.
Sinaksihan ng mga Representante Mula Sa Tanggapan ng Department Of Justice, Opisyal Sa Barangay at Media Buhat Sa Pilipino Star Ngayon.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II ng RA 9165 O'Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng 2 suspek.
Comments