top of page

2 HVT huli sa .5M shabu-Police Station 1

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • Jun 26, 2020
  • 1 min read

ANGELES CITY, , Philippines — Ares­tado ang dalawang high value target (HVT) ng pulisya dahil umano sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang Drug buy-bust operation ng Police Station 1 sa Brgy.Pulungbulu Huwebes ng gabi.



Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 1 Commander P/Maj.Dickson Tolentino,kinilala ang mga suspek na pawang nasa watchlist ng pulisya na sina Abdulrahim Hadjinoor,21 anyos alias "Abdul"ng Purok 6, Brgy Pampang,at Abdullah Abdullatif,26,residente sa Tibagin,Brgy Sta Trinidad,sa lungsod.




Nasamsam ang nasa humugit kumulang sa 75 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 510,000.00 at Perang ginamit bilang marked money at isang unit ng Black Mio Sporty na may plakang EC11637.



Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga suspek.


 
 
 

コメント


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page