top of page
Writer's pictureGary Bernardo

2 patay sa Armed Encounter sa Brgy Anunas


Angeles City-Patay ang dalawang lalaki matapos manlaban sa mga otoridad na hinihinalang gunrunner sa Purok 2 Brgy Anunas kaninang Madaling araw.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales,kinilala ang mga napatay na suspek na sina Leoncio Ceballos,nasa hustong gulang residente sa Brgy Sapang Bato,na sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya,Joshua Castro,nasa hustong gulang residente sa Brgy Dau lungsod ng Mabalacat,Number 1 Sibat Target Phase 3 ng PNP.


nasamsam sa pinangyarihan ng krimen habang nagsagsagawa ng imbestigasyon ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang Magnum 357 revolver Smith and Wesson na may kasamang 4 na bala,2 small plastic heat sealed sachet na hinihinalang shabu,isang unit ng Cal.38 na may 4 na bala.


Pasado 1:30 ng madaling araw ikinasa ang entrapment operation sa mga ito at nagpanggap na bibili ng baril ang pulis nang makatunog na pulis ang naka transaksiyon agad na bumunot ng baril at pinutukan ang mga otoridad kayat napilitang gumanti ang mga ito dahilan ng agarang pagkamatay ng mga suspek.


ayon pa sa report ang suspek na si Castro ay may dating kasong pagnanakaw matapos nitong tangayin ang isang service firearm Shotgun ng isang securty guard.

963 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page