top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

2 timbog sa P2.5 milyong shabu


PAMPANGA, Angeles City, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng City Intel Unit at Police Station 2 ang dalawang high value target (HVT) sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operation, sa Brgy. Lourdes North West,huwebes ng hapon at gabi.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/ Col.Joyce Patrick Sangalang kinilala ang mga suspek na sina Orlando Dayrit, alias "Orly",44,may asawa,residente ng Brgy.Sto Domingo,at Arnold Guibo,39 anyos,alias "Tisoy Guibo" ng Brgy. Sta. Teresita,ang nasa Top 6 Sibat Target Phase 1 ng pulisya.


Nasamsam sa mga ito ang nasa humigit kumulang sa 370 gramo ng hi­ni­­hinalang shabu na may street value na P2,516,000.00 at isang unit na kulay green na Toyota Vios at may conduction sticker no. P6V303 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.


Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga nasabing suspek.


717 views0 comments
bottom of page