top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

2M ng Marijuana nasamsam sa Buy bust Opn sa Brgy Malabanias


Angeles City-Nasamsam ng mga tauhan ng Police Station 4 sa ilalim ng pamumuno ni P/Major Aris Gonzales ang tinatayang aabot sa may 2 milyong pisong pinatuyong dahon ng marijuana sa ikinasang buy bust operation sa Convair st, hensonville Subd Brgy Malabanias lunes ng hapon.


Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ivan Gura,18,Rommel Gueco,24,Alfie Candelaria,24,at isang babaeng menor de edad na residente sa lourdes sur east sa lungsod.


Nakumpiska ang 24 na bricks ng marijuana na may timbang na 24.4 kilo at may street value Php 2,196,000,00,assorted drug paraphernalia at perang ginamit bilang marked money.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.


352 views0 comments
bottom of page