top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

3 timbog isa nakatakas sa Brgy Pulung Maragul-ACDEU


Angeles City-Rehas na bakal ang sinapit ng tatlong lalaki habang nakatakas ang isa,matapos magsagawa ng Anti Illegal Drug Buybust Operation ang pinagsanib na pwersa ng Angeles City Drug Enforcement Unit at Police Station 4 sa Brgy Pulung Maragul martes ng gabi.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni ACPDEU Commander P/Capt. Joven Rodriguez,kinilala ang mga suspek na sina Efren Eneria,59,Lito Luna,51,residente sa Biglang Sibul,Kevin Lester Fajardo,22,at ang nakatakas na si Edmond Eneria.


Nasamsam sa mga suspek ang 4 na Sachet ng Shabu na may timbang na 6 gramo at may street value Php 40,800.00.at perang ginamit bilang marked money. pormal na ang mga itong kinasuhan sa paglabag sa RA 9165.

1,063 views0 comments
bottom of page