OCTOBER 18,2019
Pampanga-Nag-alok ng halagang P300,000 na pabuya si Governor Dennis Delta Pineda para sa agarang ikadadakip ni Park Wang Yeol, Koreanong nakadetine sa Pampanga Provincial Jail sa kasong illegal possession of fire arms at pagpatay sa kanyang mga kapwa Koreano.
Matatandaan kamakalawa nakatakas si Park matapos itakda ang muling pagbasa ng sakdal sa kanya sa Branch 64 ng Regional Trial Court ng Tarlac city sa kasong illegal possession of fire arms.
Ayon kay Atty. Charlie Chua, provincial administrator ng Pampanga si Governor Pineda ay magbibigay ng pabuya sa ikadarakip ni Park, 41 anyos na nahaharap din sa kasong pagpatay sa Branch 47 ng Regional Trial Court ng Lungsod ng San Fernando.
Nag-alok si Governor Delta ng pabuya matapos bumisita si Lee Jinsoo, consul sa embassy ng Republic of Korea sa tanggapan ng Pampanga provincial administrator na nakiusap sa agarang pagdakip kay Park at pagsasampa ng kaso sa mga jail guards na sangkot sa pagtakas ni Park.
Batay sa Police report, si Park at ang mga guardia ay kumain sa isang eatery sa Barangay San Rafael, Tarlac City matapos mareset ang pagbasa ng sakdal kay Park sa RTC Branch 64 ng Tarlac.
Sa loob ng karinderia, nagtungo ang limang prison guards sa lamesa at umorder ng pagkain habang dumiretso naman si Park sa comfort room ilang saglit nadiskubre na si Park ay nakatakas sa pamamagitan ng bukas na bintana sa comfort room.
Kaugnay nito, nag-utos na rin si Governor Delta na isailalim ang limang prison guards sa preventive suspension habang sila ay iniimbestigahan dahil sa pagtakas ni Park.
Kinilala ang prison guards na sina Prison Guard 1 (PG 1) Randy Sibug, PG1 Clarito Mendoza, PG1 Danilo Gonzales, PG1 Danigen Aragon and PG1 Carlo Layag na ngayon ay hindi muna pinalalabas sa PPJ habang sila ay iniimbestigahan.
Nakatakda namang sampahan ng kasong infidelity in the custody of prisoner ang mga naturang guardia.
Matatandaang si Park ay nadetine sa Pampanga Provincial Jail noong 2016 sa tatlong kaso ng pagpatay sa bayan ng Bacolor.
PHOTO:Courtesy PIO PAMPANGA
Comments