top of page

3M Tinangay Ng 13 Anyos,300K Narekober sa Brgy Balibago

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • Feb 28, 2020
  • 1 min read

Angeles City-Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga opisyales ng Barangay Balibago sa tumangay ng 3 milyong piso na 13 anyos na tomboy sa kanyang tiyahin sa Metro Manila Huwebes ng madaling araw.


Ayon kay Barangay Balibago Chairman Tony Mamac,natuklasan ang pangyayari matapos na may tumawag na isang concerned citizen sa kanyang tanggapan, na may nagtatalong mga kabataan sa bahagi ng Flores street at Mon Tang Avenue,inalam ang ugat ng kaguluhan at dito na nalaman ang nangyaring pagnanakaw sa nasabing halaga.



Narekober sa mga kabataan ang nasa humigit kumulang sa Php.300.000.00.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kung saan napunta ang 2 milyong piso na sinasabing ninakaw ng kaibigan nang suspek.

 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page