top of page

4 Timbog sa Brgy Amsic at Brgy Sta Trinidad

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • Oct 27, 2019
  • 1 min read

Oct 27,2019



Angeles City-Apat na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag iingat ng bawal na gamot ang naaresto sa isinagawang magkahiwalay na drug buybust operation ng Police Station 2 sa Barangay Amsic at Barangay Sta Trinidad kamakalawa ng gabi.



Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 3 Commander P/Maj Fercel Deloria,kinilala ang mga suspek na sina Nelson Calma,34,Brgy Amsic,Angelo Dalusong 36,Barangay Malabanias,Michael Roxas 28,Tarlac,Samuel Jose 20,residente sa Barangay Pulung Bulu.

Nasamsam sa mga ito ang 6 na small Plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu,assorted drug parapernalia at perang ginamit na marked money.



Pormal ng kinasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.


 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page