Camp Julian
Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Tinatayang aabot sa 5.2B halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat matapos magsagawa ng Anti Illegal Drug Buybust operation ang pinagsanib na puwersa ng PNP Drug Enforcement Group, Regional Intelligence Division- Regional Special Operations Group, NCRPO; Regional Intelligence Division, PRO3 at Marilao Municipal Police Station sa Barangay Lias, Marilao, Bulacan kamakalawa.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig.Gen.Rhodel Sermonia kinilala ang mga suspek na sina Yuwen Cai, Chinese National,may asawa,53 anyos; Angela Miole,38, at Ma.Lyn Miole, 23,parehong residente sa Barangay 29, Tondo Manila.
Nasamsam buhat sa mga ito 63 kahon na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang 756 kilo na may street value Php 5,140,800,000.00 at (boodle money)na may halagang Php 1 Million Pesos na ginamit bilang marked money.
Pormal ng kinasuhan ang mga nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Komentar