top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

600 Gramo ng marijuana, nasabat sa Brgy Amsic


Angeles City-Aabot sa 600 gramo ng marijuana ang nasamsam sa ikinasang drug buybust operation ng Angeles City Drug Enforcement Unit sa Brgy Amsic sabado ng gabi.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Drug Enforcement Unit Commander P/Capt.Alfred Andal,kinilala ang suspek na si Jhaymark Platero,18,residente sa A.Santos street,Brgy Balibago ng lungsod.


Nasamsam ang nasa humigit kumulang sa 600 gramo na hinihinalang dahon ng marijuana na may street value Php 72.000.00 at perang ginamit bilang marked money.


Sinasabing ang nahuling suspek ay isa sa leader sa naunang 4 na nahuli kabilang ang isang menor de edad na babae sa Brgy Malabanias noong agosto 3,2020 na umaabot sa ₱2.1 milyong halaga ng marijuana,na personal na ipinakita ni Angeles City Police Office (ACPO) Director, Police Col. Joyce Patrick Sangalang kay Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. ang mga nakumpiskang marijuana bricks na may bigat na 24.4 kilograms,na ayon kay Mayor Lazatin, bahagi ito ng kanyang kampanya para maging drug-cleared ang Angeles City sa ilalim ng kanyang administrasyon.


Pormal ng kinasuhan ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 O"Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.




6,102 views0 comments
bottom of page