Angeles City-Umaasa sa malaking pagbabago ang mga taga Lungsod ng Angeles sa Liderato ng bagong Alkalde matapos manalo sa katatapos na halalalan noong Mayo 13,2019.
Ayon sa mga taga Lungsod naway matupad ang ipinangako ni Mayor Carmelo "POGI" Lazatin Jr na uunahin nito na mabago ang sistema sa Ospital Ning Angeles (ONA),na magkaroon ng maayos na serbisyo sa mga nagpapagamot dito at magkaroon ng libre at dekalidad na mga gamot,gayundin ang magkaroon ng karagdagang silid aralan sa City Colleges na maging libre ang magiging tuition fee ng mga mag aaral dito.
Dagdag pa ng mga ito na maiayus ang sobrang bigat ng trapiko sa lungsod na pahirap sa mga commuters lalo na sa mga pumapasok sa kanilang mga trabaho,na malaki rin ang epekto nito sa mga negosyante na maihatid ang kanilang mga produkto sa tamang oras.
Samantalang Buong Puso ang naging Pasasalamat ng Alkalde sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang kandidatura at muling nangako na iaayus ang lahat ng problema sa lungsod oras na siya ay maupo sa darating na Hulyo 1,2019
留言