top of page
Writer's pictureGary Bernardo

Angeles City COVID-19 Free pa Rin

Lungsod ng Angeles-Nananatiling walang kaso ng COVID-19 sa lungsod

batay sa inilabas na ulat kamakalawa ni Dr. Froilan Canlas , Officer-in-Charge ng Ospital Ning Angeles, kay Mayor Carmelo "Pogi"Lazatin Jr.


Ayon kay Lazatin kung sakaling may hinihinalang tinamaan ng nasabing sakit ay itawag lamang kaagad sa City Hotline na 24 oras na bukas ang tanggapan ng Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO) at huwag munang pumunta ng Hospital,upang agad na mapuntahan ang pasyente ng Quick Response Team ng City Government kasama ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT)at miyembro ng Angeles City Police Office.


Sa ganitong pamamaraan, mapoprotektahan ang mga health workers,na front liners,sa banta ng virus.


Bukod dito ang hinihinalang pasyente ay isasailalaim sa pamamagitan ng home quarantine kasama ang miyembro ng pamilya at aalamin kung sino ang mga nakasalamuha nito,at sila ay imomonitor ng mga tauhan nang QRT, BHERT at ACPO.

Kung sakaling mag positibo ang pasyente sa Virus,agad na dadalhin sa isolation area ng Rafael Lazatin Memorial Medical Center(ONA), kung saan ay may inilagay na maayos at malilinis na mga container van.


Ang pagbabantay sa pamilya ng pasyente ay tuluy-tuloy maging ang pagdidis-infect.

Ayon kay Mayor Lazatin, ang City’s Team at Health unit ay masusing babantayan ang sitwasyon at regular na magbibigay ng mga impormasyon sa komunidad.


4,411 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page