top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

Drug peddler dedo sa encounter sa Lupao Nueva Ecija


Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang hinihinalang drug peddler matapos umanong lumaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy San Roque,Lupao Nueva Ecija miyerkoles ng hapon. Sa ulat sa tanggapan ni P/Capt. Ronan James Eblahan,Lupao Police Station commander, kinilala ang napatay na suspek na si Gilbert Maralit,alias "Sutek",nasa hustong gulang residente sa Barrera Cabanatuan City. Pasado alas-3:00 ng hapon, isinagawa ang operasyon at isang pulis ang nagsilbing posuer buyer. Habang isinasagawa ang transaksyon, nakatunog umano ang suspek na agad na bumunot ng dalang baril saka pinutukan ang operatiba ngunit hindi ito tumama sanhi upang gumanti ang pulis na ikinabulagta ng suspek. Nasamsam sa pinangyarihan ng shootout ang sachet ng hinihinalang shabu at cal. 38 baril na gamit ng nasabing suspek.

4,003 views0 comments
bottom of page