top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

Drug Peddler tiklo sa P7.1 milyong shabu


Pampanga,Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang drug suspect matapos magpositibo sa isinagawang Anti Illegal Drug Buybust Operation ang pulisya at makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa Brgy. Sta Cruz,bayan ng Porac huwebes ng gabi.


Sa ulat Buhat sa tanggapan ni Chief PDEU P/Maj. Louie Gonzaga kinilala ang suspek na si Khalid Monte,29, alias "Khalid' High Value Target sa tala ng pulisya na residente sa Brgy Sta Terresita, Angeles City.


Nasamsam buhat sa suspek ang nasa 1.25 kilo ng hinihinalang shabu na may street value Php7,100,000.00,isang Oppo android cellphone,isang unit ng silver Toyota Corolla big body na may plakang TRA-403,Php 2,000.00 cash at perang ginamit bilang marked money.



Ang suspek ay nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


(Ang larawan ay Kuha ng Pampanga PPO)

982 views0 comments
bottom of page