top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

"Facemask" nilagyan ng shabu 3 Peddler Timbog sa Brgy Sta Trinidad


Angeles City-Arestado ang tatlo katao na hinihinalang drug peddler sa isinagawang drug buybust operation ng Police Station 1 sa Brgy Sta Trinidad kamakalawa ng gabi.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 1 Commander P/Major Dickson Tolentino kinilala ang mga suspek na sina Marissa De Guzman alias"Marissa"na dito nakita ang shabu na nakalagay sa kanyang facemask ang sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya,na residente sa Brgy San Nicolas,Renald Saratan,25,alias"Nico"Brgy Sta Trinidad,Jerry Saratan,25,alias"Jerry",Brgy Sta Trinidad.


nasamsam sa mga ito ang anim na small size plastic heat sealed sachet na hinihinalang shabu ang nasa humigit kumulang sa 2 gramo na may street value P 13.600.00,assorted drug parapernalia at perang ginamit bilang marked money.


Pormal ng kinasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165.




775 views0 comments
bottom of page