top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

HVT arestado sa drug ops-Police Station 2

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Ares­tado ang isang lalaki na high value target (HVT) at Top 9 ng Angeles City Police Drug Personality,Top 10 Sibat Target, dahil sa umano’y pag-iingat ng shabu matapos magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang pulisya

sa Barangay Pampang ngayong huwebes ng hapon


Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 2 Commander P/Major Fercel Deloria, kinilala ang suspek na si Daniel Tapnio,33,residente sa nasabing Barangay.


Nasamsam dito ang nasa 53 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P360,400.00 at marked money.


Kasong paglababag sa RA 9165 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

671 views0 comments
bottom of page