top of page

HVT arestado sa drug ops-Police Station 5

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • May 14, 2020
  • 1 min read

ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Ares­tado ang isang lalaki na high value target (HVT) dahil sa umano’y pag-iingat ng shabu matapos magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang Angeles City Police Station 5 sa Barangay Cutcut miyerkoles ng hapon

Sa ulat sa tanggapan ni Police Station 5 Commander P/Major Rolando Doroja, kinilala ang suspek na si Ismael Dawal,29,residente sa Barangay San Nicolas.

Nasamsam dito ang nasa 80 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P544,000.00 at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o"Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page