top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

HVT at 3 iba pa timbog sa Buy bust Opn sa Brgy Balibago-PS4


Angeles City-Timbog ang apat katao na hinihinalang drug peddler sa ikinasang buy bust operation sa 6th Street, Brgy. Balibago huwebes ng gabi.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Major Aris Gonzales,kinilala ang mga suspek na sina Mark Jayson Marvilla,26,High Value Target(HVT),nasa drug Watchlist ng pulisya residente sa 6th St. Brgy Balibago,Wilson Esmitalda,56,Solomon Habrahano,29,Juanita Perigrino, 51,mga residente sa Lakandula Mabalacat City.


Nasamsam ang nasa humigit kumulang sa 110 gramo ng hinihinalang shabu na may street value Php 748,000.00 at perang ginamit bilang marked money.


Nahaharap ang mga nasabing suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o"Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


978 views0 comments
bottom of page