ANGELES CITY , Philippines — Arestado ang isang lalaki na high value target ng pulisya dahil umano sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy Sta Trinidad,ng lungsod na ito noong Biyernes ng hapon.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Angeles City Police Director P/Col.Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang suspek na si Michael Balingit, 39, "Alias Mike",residente sa Northville Brgy Cutud.
Nasamsam dito ang nasa 1.2 Kilo ng hinihinalang shabu na may street value na 7.5 Million at Perang ginamit bilang marked money.
Ayon sa suspek, ang nakumpiskang shabu ay pinadala lamang sa kanya upang ideliver sa Angeles ngunit minalas dahil ang nakatransaksyon nito ay isang pulis na nagpanggap na poseur buyer,dagdag ng suspek kung nakalusot ang nasabing deliver kikita umano siya ng Php 10.000.00 dito.
Patuloy pa rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung anong sindikato ang nasa likod ang nagpapakalat ng shabu sa lungsod.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.
📷
Comments