Angeles City-Sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine nagawa pang magbenta ng ipangbabawal na droga ang isang kawani ng City hall na nakatalaga sa CSWDO matapos ang ikinasang Anti Illegal Drugbust Operation ng Police Station 5 sa Barangay Cutcut kawakalawa ng hapon.
Sa ulat buhat sa tanggapan ni P/Maj.Rolando Doroja,kinilala ang suspek na si Jay- Ar Delos Santos 34,may asawa,Office Worker-IV sa tanggapan ng City Social Welfare and Development Office,residente sa nasabing barangay.
Nasamsam dito ang tatlong small plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu at perang ginamit bilang marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o" Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Comments