top of page

Kawani ng Clark International Airport Corp.Negatibo sa Covid-19

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • Jun 7, 2020
  • 1 min read

CLARK FREEPORT ZONE -Nasa 113 kawani ng Clark International Airport Corporation ay nagnegatibo sa isinagawang Anti-Bodies Rapid Test kamakalawa.


Batay ito sa report na inilabas buhat sa tanggapan ni Rafael Lazatin Memorial Medical Center Officer in charge Dr. Froilan Canlas,sa ginawang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng lungsod angeles.


Samantalang inaasahan ngayon linggo ay magpapasuri din ang bagong talagang presidente nitong si dating PDEA director Aaron Aquino matapos dumating buhat sa Davao City.


ito umano ay magandang balita ayon kay IC Calaguas,ang incoming Vice President for Operations at Senior Executive Assistant ni Aquino na nakahanda na ang mga empleyado at napag aralan na din ang mahigpit na ipatutupad na safety protocols laban sa COVID-19 sa pagbabalik ng operasyon ng nasabing paliparan.


 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page