top of page
  • Writer's pictureGary Bernardo

Kelot timbog sa Drug Buybust sa Brgy Balibago-ACDEU


Angeles City-Sa kabila ng patuloy na pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine sa siyudad bunga ng Covid-19 ay hindi pa din tumitigil ang pulisya sa pagsugpo sa ilegal na droga at iba pang uri ng krimen kayat arestado ang isang lalaki matapos magsagawa ng Anti Illegal Drug Buybust Operation ang Angeles City Drug Enforcement Unit sa C Avenue corner 1st St., Brgy Balibago,huwebes ng gabi. Sa ulat buhat sa tanggapan ni ACPDEU Commander P/Capt. Joven Rodriguez,kinilala ang suspek na si Marlon Shau,alias "Sniper",40,ang nasa watclist ng pulisya na residente ng Visayas St. Jaoville , Brgy Pandan. Nasamsam Buhat dito dalawang Sachet ng Shabu na may timbang na 3 gramo na may street value Php 20,400.00 at perang ginamit bilang marked money. Pormal na itong kinasuhan sa paglabag sa RA 9165.

329 views0 comments
bottom of page