top of page

Lola at Buntis Timbog sa Drug Buybust sa Brgy San Nicolas

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • May 5, 2020
  • 1 min read

Angeles City-Rehas na bakal ang sinapit ng Lola at isang ginang na tatlong buwang buntis matapos ikasa ng Police Station 1 ang Anti Illegal Drug Buybust Operation sa Barangay San Nicolas lunes ng gabi.

Sa Ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 1 Commander P/Maj.Dickson Tolentino,kinilala ang mga suspek na sina Edna Evaristo,alias"Tuge"51,residente sa Lourdes Northwest nasa drug watchlist ng pulisya at Rosalyn Solina,23,ng Brgy Sta Trinidad.

Nasamsam buhat sa mga ito ang 3 plastic sachet ng shabu na may timbang sa humigit kumulang sa 5 gramo na may street value Php 34.000.00 at perang ginamit bilang marked money.


Kasong paglababag sa RA 9165 ang kakaharapin ng mga nasabing suspek.

 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page