November 6,2019
Angeles City-Pormal na sinampahan ng kaso ni City Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin Jr,ang mga opisyales ng Angeles City Water District sa tanggapan ng Deputy Ombudsman martes ng umaga.
Sa Report kinabibilangan nina Engr Reynaldo Liwanag,General Manager,Bernardo Cruz,Chairman of the Board of Director,Fidelio Sibug,Gracela Munoz,Deogracias Sambilay III,Hernando Angeles,mga Director at A.M Gatbonton Drilling Corp,A.M Gatbonton Corporation,Andres M.Gatbonton,Aleth Cruz,Presidente.
Ito ay sa kasong paglabag sa Section 3 of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corruption Practices Act).
Matatandaan buwan ng Setyembre ngayong taon Pansamantalang ipinatigil ang Operasyon ng AM Gatbonton Drilling Corporation na subcontractor ng Angeles City Water District sa Barangay Cuayan at Barangay Sto. Domingo.
Ito ay matapos Inspeksiyunin ng mga taga City Hall sa pangunguna ni Mayor Carmelo "Pogi" Lazatin Jr.
Nakita ang mga paglabag nito tulad ng walang maipakitang Business Permit, National Resources Water Board Permit to operate,at Environmental Compliance buhat sa Department of Environment and Natural Resources (DENR),di pagbabayad ng buwis at iba pang kaukulang dokumento.
Ayon kay Lazatin mahigpit ang kanyang ginagawang monitoring pagdating sa mga kinakailang requirements ng establisimiyento bago maka-pag operate ang mga ito,sinisiguro lamang na dapat ay sumunod sa batas at masiguro ang kalusugan ng tao dahil isa ito sa importanteng pangangailangan ng mamamayan ang maiinom na tubig.
Matatandaan pa din pagkatapos ng Mid-term Election ngayong taon ay nagsimulang mag operate ang AM Gatbonton Drilling Corporation ngunit inireklamo na ito ng mga residente sa Brgy Cuayan dahil sa masangsang na amoy at kulay kalawang ang lumalabas sa kanilang mga gripo,pansamantalang itinigil ang kanilang operasyon dahil isinaayos ito at muling nag operate.
Samantalang kalbaryo muli ang nararanasan ng taga Barangay Cuayan dahil sa madalas na walang tubig sa kanilang mga gripo.
Commentaires