Obra ng Pinoy artist para sa Covid19 awareness, viral sa social media
- Gary Bernardo
- Mar 5, 2020
- 2 min read

By: Jose Erwin O. Bunag
Bulacan-Viral sa social media ang obra ng isang painter mula sa barangay San Jose, Bulakan, Bulacan para sa public awareness ng Covid 19.
Sa naturang obra ay may mga taong nakasuot ng facemask ng ibat-ibang mga bandila na karamihan ay naapektuhan ng naturang virus.
Ito ay may sukat na 3x2ft at acrylic-on-canvass na naglalarawan ng mga lahi sa mundo sa banta ng COVID19.

Ayon sa pintor na si Christian Joy Trinidad, ang lumikha sa paintings, tinawag niya ang obra na "Maskcommunication" .
Paliwanag ni Trinidad na sa kinakaharap na suliranin ng ibat-ibang nasyon sa mundo ay mahalaga pa rin na mangibabaw ang komunikasyon at pagkakaisa na masugpo ang corona virus.
Aniya isinali niya ang obra sa isang paligsahan sa Tarlac na may temang unity and diversity.
Naisip niya ang konsepto na kinakaharap ng buong mundo sa banta ng covid19.
Ginawa niyang flag ng ibat-ibang bansa ang facemask na suot ng mga tao sa kaniyang obra.
Nais niyang magsilbing inspirasyon ang obra sa buong mundo kontra covid19.
Aniya hindi lahat ng flag ng bansa na nasa kaniyang obra ay may positibong patiente sa COVID19.
Ani Trinidad nasa 20 bansa ang may nagpositibo sa coronavirus na inilagay niya.
Mula ng ipost ang obra ay matulin itong nagviral na ikinagulat niya dahil hindi naman nakuha o nakapasok sa top 25 ang obra sa mahigit 200 nag entry sa contest.
Pahabol pa ni Trinidad may mga ilang netizen na ginawang mims ang flag ng Pilipinas na mask ni Pambansang Kamao na Manny Pacquiao.
Ikinatuwa naman niya ito na aminadong ang mga pinoy ay sadyang mapagbiro.
Bagamat hindi nagwagi ay sumikat ang kaniyang obra at may mga kumokontak sa kaniya na nais bilin ang paintings.
Binigyan na rin siya ng pagkilala ng alkalde ng Bulakan,Bulacan na si Vergel Meneses.
Hinikayat niya ang mga kabataan na nahihilig sa pagpipinta na ituloy lamang ang ginagawa hanggang sa mahasa ang talento.
コメント