top of page
Writer's pictureGary Bernardo

Obrero Itinumba sa Brgy Sta Trinidad


Angeles City-Isang 26-anyos na factory worker ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang salarin sa Brgy Sta Trinidad,kamakalawa ng gabi.


sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 2 Commander P/Maj.Fercel Deloria,kinilala ang biktima na si Mark Anthony Cornelio,residente sa nasabing barangay,habang blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng gunman.


Naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa harap ng Claveria street.


dinikitan ng suspek ang biktima at malapitang pinagbabaril,matapos isagawa ang krimen agad itong tumakas sakay sa isang motorsiklo.


Bineberipika pa ng pulisya ang isyung onsehan sa droga na diumano’y kinakaharap ng biktima na maaring dahilan para itumba ito.

166 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page