top of page
Writer's pictureGary Bernardo

P.4M halaga ng marijuana nasabat sa apat na katao

By: Jose Erwin O. Bunag



Bulacan,Philippines-Nasa 25 kilo ng pintuyuang dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P400,000 nasabat sa apat na katao sa Meycauyan City hapon nitong Pebrero 28 sa brgy Bahay Pare, Meycauayan City


Nakilala ang mga suspect na sina Emilio Ariño , Jayson Legaspi,Jonh Michael De Jesus at Victoria Manalo pawang residente ng Caloocan City.


Ayon kay PLtCol. Bernard Pagaduan- hepe ng Meycauayan Police tatlong linggo pa lang na nangungupahan sa nasabing barangay.


Itinuro ng mga nauna ng nahuli sa buybust opeeation ng kapulisan si Emilio Ariño na pinagkukunan nila ng mga suplay ng damo.


Dito na sila nagsagawa ng buy bust operation at kumagat sa patibong ng mga otoridad ang mga suspect.


Ani Pagaduan maituturing na notoryus ang grupo dahil sa dami ng nakumpiska sa mga ito.


Paliwanag ni Ariño ipinagpalit niya ang kaniyang owner type jeep ng mga marijuana upang maibenta dito sa Meycauayan City.


Aniya naengganyo siya sa mga nakita at alok ng mga kakilala sa Kalinga Apayao.

Inaamin niya na isang taon na niya itong ginagawa,Nagsisisi siya na nagawang pagtutulak.


Nagsisisi rin si John Michael De Jesus na manganganak na ang asawa na napasama sa grupo


Umalis siya sa kanilang bahay dahil nagaaway sila ng kaniyang asawa,Inamin niya na humithit siya ng marijuana kagabi.


Ang magkalive in na sina Jayson Legaspi at Victoria Manalo ay nagsisisi rin sa nagawa,Inamin ni Legaspi na gumgamit siya at nadamay lamang ang kaniyang ka live in.


Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Sec 5 and 11 of Ra 9165,Nakapiit ang mga suspect sa Meycauayan City detention facility.

262 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page