top of page
Writer's pictureGary Bernardo

Pahayag ng CHR kaugnay ng dispersal ng Pride Protest sa Mendiola


Pampanga-Nakikiisa ang CHR Gender Equality and Women's Human Rights Center (GEWHRC) sa mga LGBTQI+ organizations and allies sa pagkundina sa nangyaring pag-aresto sa mga dumalo ng Pride Protest sa Mendiola kamakalawa ng umaga, 26 June 2020. Ang kasaysayan ng Pride ay kasaysayan ng protesta. Hindi rin ito nahihiwalay sa iba pang mga isyung kinakaharap sa lipunan gaya ng paglaban sa mapanupil na Anti-Terrorism Act at ang kahirapan na dulot ng krisis. Nananawagan ang CHR GEWHRC na agarang pakawalan ang mga hinuli, na itaguyod ang karapatang magpahayag, at magdulog ng reklamo sa pamahalaan. Sa naganap na dispersal at panghuhuli, ang CHR-National Capital Region ay agarang nagpadala ng Quick Response Team para maimbistigahan at madokumento ang mga pangyayari. Patuloy tayo na magmatyag at patuloy na itaguyod ang ating mga karapatang pantao. Sa mga nangyayari ngayon, naging mas kinakailangang maidokumento ang karanasan at mga naratibo ng ating mga kasamahang LGBTQI sa panahon ng krisis, at tingnan kung paano ang mga karanasang ito ay bahagi ng laban ng mga maraming grupong naiiwan sa laylayan.

26 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page