MAYOR CARMELO “POGI” LAZATIN, JR.
MGA MINAMAHAL KONG KABABAYAN NG SIYUDAD ANGELES,
NAIS KO PONG IPAALAM SA INYO, NA MULA NGAYONG ARAW, JUNE 24, PANSAMANTALA MUNA NATING ISASARA ANG PAMPANG PUBLIC MARKET,
DAHIL ISANG NAGTITINDA PO SA MEAT SECTION ANG NAGPOSITIBO SA COVID-19.
LUMABAS PO ANG KANIYANG RESULTA KANINANG UMAGA LANG.
SIYA PO AY 21 TAONG GULANG MULA SA BARANGAY PAMPANG.
AT IKINALULUNGKOT KO PONG IBALITA SA INYO NA SIYA PO AY PUMANAW NA KAHAPON, MARTES, ALA UNA NG HAPON.
SA NGALAN PO NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG ANGELES, IPINAPAABOT KO PO ANG AKING TAOS PUSONG PAKIKIRAMAY.
SA AKIN NAMANG MGA KABABAYAN, HUWAG PO KAYONG MAG-ALALA,
NGAYONG ARAW DIN PO, NAGSAGAWA NA TAYO NG “RAPID TESTING” SA MGA EMPLEYADO AT NAGTITINDA SA PALENGKE.
LAHAT PO NG MGA NAGTITINDA AY IPINATEST NATIN.
NAGSAGAWA NA PO TAYO NG ‘CONTACT TRACING.‘
NAG-DISINFECT NA RIN PO TAYO SA BUONG PALENGKE.
AT KASALUKUYAN DIN PO,
NASA CITY COLLEGE OF ANGELES NA ANG PAMILYA NG YUMAONG NAGPOSITIBO NG COVID-19 PARA SAKANILANG 14-DAY QUARANTINE.
SILA RIN PO AY IPINA-TEST NA NATIN NG COVID-19.
SA MGA NAIS PONG MAMALENGKE, MAAARI PO KAYONG MAMILI SA SAN NICOLAS PUBLIC MARKET.
NAIS KO RIN PONG IPAALAM SA MGA NAGTITINDA SA PAMPANG PUBLIC MARKET NA HINDI PO KAYONG PWEDENG LUMIPAT SA SAN NICOLAS PUBLIC MARKET PARA MAGTINDA.
MAGBUBUKAS LAMANG PO ANG PAMPANG PUBLIC MARKET KAPAG TAPOS NA ANG MGA GINAGAWA NATING HAKBANG UPANG MAPANATILI ANG KALIGTASAN NG BAWAT ISA.
NAGKAROON NA PO TAYO NG EMERGENCY MEETING KANINA UPANG AGARANG MAISAGAWA ANG ATING MGA SAFETY PROTOCOLS.
HINIHINGI KO PO ANG INYONG PANG-UNAWA AT KOOPERASYON.
AT PAKIUSAP PO, HUWAG NA MATIGAS ANG ULO.
MAGSUOT PO TAYO NG FACE MASK SA LAHAT NG ORAS
AT SUMUNOD SA MGA REGULASYON NG PAMAHALAAN.
MAGTULONG-TULONG PO TAYO PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT LABAN SA COVID-19.
PATNUBAYAN PO TAYO NG AMANG DIOS.
DAKAL PUNG SALAMAT.
LUID YA ING SIYUDAD NING ANGELES.
Comments