Pampanga-"Wala pong katotohanan ang mga kumakalat na balita, partikular sa social media hinggil sa di-umano’y pagdukot sa mga kabataan maging dito sa ating rehiyon. Datapwa’t wala pa po tayong mga natatanggap na opisyal na report sa mga insidenteng ganito ay nagbigay na ako ng direktiba sa lahat ng ating mga Chiefs of Police sa buong rehiyon na magsagawa ng imbestigasyon at alamin ang katotohanan sa mga kumakalat na balitang ito. Sa atin pong mga mamamayan, lalung-lalo na dito sa Gitnang Luzon, ako po ay nakikiusap sa inyo na huwag po tayong maniniwala agad sa mga kumakalat na balita at huwag na din po natin itong ikalat upang maiwasan ang takot ng ating mga kababayan. Sa halip, hinihingi ko po ang inyong suporta, at para sa mga magulang ay alamin natin ang kinaroroonan ng ating mga anak at kung sila ay aalis ng bahay ay dapat alam natin kung saan sila pupunta. Patuloy po ang ginagawang pagbabantay ng inyong kapulisan 24/7 upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng ating mga komunidad. Kung may nalalaman po kayong anumang impormasyon hinggil sa anumang insidente at krimen, mangyaring ipagbigay- alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulis o maaaring tumawag sa PNP Hotline 09176235700 at Emergency hotline 911. Gayundin, pinaaalalahan po ang lahat na ang pagkakalat ng mga maling impormasyon ay may karampatang kaparusahan na Prision Correccional o anim na taon hanggang sampung taong pagkakakulong sa ilalim ng Presidential Decree No.90, kung kaya’t binabalaan natin ang mga taong nagkakalat nito sa maaari ninyong kahinatnan." PBGEN RHODEL O SERMONIA Regional Director, PRO3
Comments