top of page

Top 3 Oplan Sibat target huli sa P1.3 milyong shabu

  • Writer: Gary Bernardo
    Gary Bernardo
  • Sep 17, 2020
  • 1 min read

ANGELES CITY, , Philippines —Ares­tado ang tatlong high value target (HVT) ng pulisya dahil umano sa pagbebenta at pag-iingat ng shabu sa isinagawang Drug buy-bust operation ng Police Station 4 sa Sto Nino Brgy.Balibago huwebes ng madaling araw.


Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Station 4 Commander P/Maj Aris Gonzales, kinilala ang mga suspek na pawang nasa watchlist ng pulisya na sina Sunny Pelle,43,Top 3 Oplan Sibat target,residente sa nasabing barangay,Ashraf Tumawis,18,at Michael Garcia,18,parehong residente naman sa Brgy Lourdes Nortwest sa lungsod.


Nasamsam ang nasa 205 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na Php 1,394,000.00 at Perang ginamit bilang marked money.


Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng mga nasabing suspek.



 
 
 

Comments


©2019 by Central Luzon PRESS TIME. Proudly created with Wix.com

bottom of page