By: Jose Erwin O. Bunag
Bulacan,Philippines-Sa bisa ng apat na warrant of arrest nahuli ng mga operatiba ang top three most wanted ng Bulacan dahil sa mga kaso ng carnapping, frustrated murder, robbery at acts of lasciviousness sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Guinhawa, Malolos City, Bulacan bitong Marso 2.
Ayon kay PLtCol. Jaquelyn Puapo hepe ng Malolos City Police, gumamit sila ng babaeng asset upang maging kaibigan ng suspect sa social media.
Hanggang sa nagkaroon ng video call conversation ito gabi-gabi at nakuha na ang loob ng suspect.
Nagkumbinse ng asset na makipagkita sa kaniya ang suspect dahilan para ikasa ang entrapment operation laban dito.
Kaninang umaga nagkasundo na magkita ang asset at ang suspect nang magkausap na sila ay dito na tsumempo ang mga nag,-aabang na mga otoridad ay dito nila dinakma ang suspect hanggang sa maposasan ito.
Sa kuha ng celfone video ng pag-aresto sa suspect, makikita na nakadapa ito at pinosasan ng kapulisan habang binabasahan ng Miranda Doctrine.
Nakilala ang suspect na si Mark Anthony Umali 33 taong gulang residente ng Brgy. Liang Malolos City.
Inamin ng suspect ang mga kaso at pinagsisisihan niya ito na kasunod ang paghingi ng tawad sa kaniyang mga nabiktima.
Aniya matagal ng nangyari ng isa sa mga biktima ay masaksak niya hanggang sa kuhanin niya ang Owner Type Jeep nito na ginamit niyang pangtakas.
Iniwan niya ang Owner Type Jeep sa isang lugar sa Maynila.
Gayunpaman, handa daw siyang harapin ang mga kasong isinampa sa kaniya.
Sa kasalukuyan ay nakaditene si Umali sa Malolos City Detention Facility.
Samantala, nananawagan naman si Puapo sa publiko para sa iba pang mga taong maaring nabiktima ng suspek o baka may alam pa silang warrant of arrest laban sa suspect na magtungo sa kanilang tanggapan para harapin na nito ang iba pang posibleng reklamo laban sa kanya.
Comments